Friday, May 22, 2009

Isabel Granada

Mula sa pagiging isang child star na nagpauso ng pagsisipilyo gamit ang Colgate hanggang sa siya ay naging regular sa That's Entertainment at sa kanyang panandaliang pamamalagi bilang isang sexy star, hindi kaila na kilala ng karamihan kung sino ang mestisahing si Isabel Granada.

Di mapagkakaila na isang magandang babae si Isabel ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, hindi talaga naging sikat na aktres ang babaeng ito. Malamang, may balat siya sa wetpacks. Sinubukan niyang maging singer, wala, boplaks. Naging beach volleyball player din siya, ayun, wala naman binatbat masyado.

Pero kahit ganyan si Isabel, love ko pa rin siya. Pero sana, mabigyan ka ng magandang proyekto dahil sayang naman ang beauty mo. At dahil dyan, isa kang certified jologs!

Kankunis

Kung may isang produkto na wala ata sa bokabularyo ang pag repackage sa sarili, ito marahil ay ang Kankunis slimming herbal tea. Tama ba? Basta yan yun. Shet.

Bata pa lang ako, napapansin ko na ang babaeng naka-two piece na bikini na yan. Di man lang siya sumikat eh noh? Di man rin lang natin alam ang pangalan niya. Basta alam lang natin, ilang dekada na natin siyang kasama. Sa loob ng ilang dekada na yan, nahigop mo na ba ang katas ni ate? Yung tsaa ah, manyak! Lol!

Dahil si ate at ang Kankunis ay laman ng ating mga botika saan mang sulok ng Pilipinas, isa kang certified jologs!

Ethel Booba

Una kong nasilayan ang dibdib, este, ang wangis ni Ethel Booba habang nilalakbay ang Quezon Avenue papunta sa aking unibersidad noong mga 2001 pa ata. Bata pa ako nun, walang kamalay-malay. Ngunit sa tuwing napapadaan kami sa Laffline, ako'y natutuwa na parang ewan! Lol!

Ang laki talaga ng hinaharap ni Ethel Booba. Kasinglaki ng mga kontrobersiya na hinarap, hinaharap, at haharapin pa ng babaeng ites. Napaka-dami na atang mga male celebrities ang na-link sa baklitang ites, daig pa ata si Pamela Anderson na napakadaming naging asawa na rin.

Nakakapanghinayang nga lang itong si Ethel dahil nabigyan na nga ng ABS-CBN ng second chance, eh parang lupaypay pa rin ang kanyang career parang ang kanyang kepyas pagkatapos ng kanyang sex scandal kasama si Alex Crisano.

Well, well, well. Yun lang masasabi ka. Isa kang certified jologs Ethel! Mabuhay ka!

Primera Poste

Kung sa english, primary post.

Ano ba ang nais kong ipabatid sa blog na ito? Well, una, ngayon lang ako makakapagblog sa tagalog. Kaya excited ako. Pangalawa, gusto kong magsulat tungkol sa kajologan nating lahat. Naniniwala kasi ako na lahat tayo ay may kajologang taglay. Kung si Queen Elizabeth nga, nakikisabay sa uso eh, tayo pa kaya mga hamak na mga ordinaryong tao lang!

Kaya ito, pagpasensyahan niyo na. Wala kasi akong ibang maisip na gawin eh.

To jologsness and beyond! Haha!